i close my eyes, and the flashback starts.

Friday, August 28, 2009

 

mmman bangs = love


our worth isn't measured by our GPA
-Sean Covey


i'm currently rereading the 7 habits of highly effective teens.
let's just say that i am desperate to get my life back on track. (:

in other news.. JUSTIN BIEBER FEVER. bear with my fangirlness, people. [why the heck do i keep spelling peaople?] this will be gone the moment your classmates start screaming "have you heard of Justin Bieber? i love him!".

we won't be having classes from monday til wednesday next week cause the faculty's having their retreat which is so annoying, because i am literally in the mood to do school stuff. no, not stuff like the play, i mean learning. gah, i hate that about myself. look at me now, eager to listen to my teachers and read stuff but come exam week, i'd find something to do to keep me from doing more important stuff. tomorrow my groups's gonna have a practice for our play. I want everything to be absolutely flawless. We're the group with the shortest script, so I want us to have the best acting. Cause no offense to them other actors, yeah I'm gonna start to stop making people look bad just to feel better about myself.--got that from ANTM. xDD

We had our culminating activity for Buwan ng Wika today. Ay tama, dapat pala magTagalog ako! sige, sige. dito nalang ako magsisimula. tinatamad kasi akong ulitin yung mga nauna ko nang itinype. Itong Buwan ng Wika na to ang ikalawang buwan ng wika na sinalihan ko sa mula nang pagtuntong ko sa pansekundaryang paaralan. teka muna, pakiramdam ko mali-mali ang pagtatagalog ko. --nag-iisip-- pabayaan niyo na, yan na ang pinakamagaling ko. deh, biro lang. wala kasi akong ganang magtagalog ng lubos-lubos ngayon e. pagtawanan niyo na lang ang pagtatagalog ko, lalo ka na yssa! xD

balik sa buwan ng wika. marahil ay nagtataka kayo kung bakit sa apat na taon ko sa hayskul ay dalawang buwan ng wika pa lamang ang dinadaluhan ko. yan ay dahil ayokong mag Filipiniana. yun lang. Nung unang taon ko ay pumunta ako dahil mayroon akong maisusuot, at yun ay iyong kasuotan namin noong ikaanim na baitang kung saan ay sumayaw kami ng tinatawag na tambourine dance. lubos akong pinagtawanan ng aking mga kamag-aral noon, lalo na ng mga dati kong kaklase sa pinakamamahal kong Montessori. siguro natrauma na akong magsuot ng Filipiniana mula noon. Naalala ko pa, pagkatapos ng programa ay umulan ng malakas, at naligo kami nina Rea at Jezza sa ulan habang suot ko pa ang napakapangit kong kasuotan. Ewan ko na lang kung saan na iyon ngayon. Di bale nga. Ngayong taon, wala akong magawa kundi magmukhang tanga, lola, manang at lahat lahat na. Bakit? dahil kay Ginang Dagamac, ang guro ko sa asignaturang Filipino. Sabi niya kasi, kung hindi raw kami susuot ng Filipiniana, ay tuwing Filipino period ay magsusuot kami nito. Sa loob ng dalawang linggo. At hindi iyon biro, dahil ginawa iyon ng kuya ko noong nakaraang taon. Nagkabati na kami ni RD, at pinahiram niya naman ako ng baro't saya niya. Salamat sa kay RD dahil pinahiram niya ako, pero patawad dahil ayoko talaga sa ating pambansang kasuotan. Ang tingin ko kasi sa mga nakaFilipiniana, sila si Imelda Marcos. O kung naka baro't saya naman, manang. yuck. Nasa Davao ngayon si mommy, inaasikaso ang PMMA ni siopao-kuya ko. At si Valerie naman ay matutulog sa Tacurong National Highschool dahil magkakaroon siya ng talk. Di ko pa alam san ako matutulog ngayong gabi. Gusto ko sana kanila RD ulit, kaso baka magalit ang mga kagrupo ko. Noong nakaraang Linggo kasi natulog rin ako sa bahay niya, at imbes na alas syete ng umaga ako dumating sa aming tagpuan, ay alas otso akong dumating. Pinagalitan tuloy ako.

I just checked out my August 2008 posts on my old blog. Ba't ba ako tumigil sa paglalagay ng icons? at dayum, gawa-gawa ko lang pala tong pagtatagalog sa buwan ng wika. epal.
hindi ako makarelate sa susunod na icon, sapagkat ako'y isang blogger, pero sige lang. blog ko naman ito eh.
Alam niyo ba yung lawsuit ni Liskula Cohen laban sa isang blogger sa blogspot na tinawag siyang "skank" at an "old hag"? mabuti naman at hindi natuloy yung pagpapakulong sa blogger. Iniexpress lang naman nya ang kanyang freedom of expression eh, buti sana kung nagpost siya ng scandal or something ng ibang tao. Nakakatawa, kasi inorder niya talaga sa Google na hanapin kung sino yung blogger na yun. oh well. I got that from Inside Edition.

See? I have been watching too much television. hmpft.



Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

Archives

December 2008   January 2009   February 2009   March 2009   April 2009   May 2009   June 2009   July 2009   August 2009   September 2009   October 2009   November 2009  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]